Wednesday, May 14, 2014

Chope

ang hirap namang sabihin
ang hirap namang aminin
di ko kayang magkunwari
puso ko'y di mawari

nahihiya nga lang ba..
o baka ma-echapwera?
dibdib kong kinakabog
tuhod kong nangangatog

bakit di ko masabi sa iyo
na nalulusaw ako
sa mga ngiti mo, di mapakali
pag ika'y aking katabi

palalagpasin ko na lang ba
ang pagkakataong tinadhana
na tayo'y pag tagpuin...
pagsamahin, pagtabihin

torpe...tiklop...
o walang lakas ng loob
na aminin sa iyo
lahat ng nasa loob ko.

aaminin ko ba?
na ikaw ang dahilan
kung bakit ako laging taranta
tulala...parang nakagat ng tarantula

alam kong pagsisisihan ko
pag pinalagpas ko pa
ang pagkakataong ito
na sabihin sa iyo na...

mahal kita...


By: TuRon

Monday, August 20, 2012

High School Life!


isang dekada
isang barkada
masasayang alaala
naalala nyo pa ba?

pinagsama sama lahat
sa isang lumang silid
dito namin sinimulan
makulay naming kabataan

unang araw ng pasukan
mga nagkakahiyaan
tanungan ng pangalan
umpisa ng pag kakaibigan

lumipas ang mga araw
mga boses ay nangingibabaw
wala nang hiya-hiya
kwentuhan maya't maya

mga kalokohan at kulitan
mga tuksuan at biruan
mga basted at luhaan
mga iyakan at tawanan

may crush ng bayan
may maputi, may kayumanggi
may maganda, may feeling ganda
may matalino, may talentado

mga totoy looks
one side.. flat top..
brush up.. 2 x 3
mga patpating katawan

mga nene looks
na lutang ang ganda
long hair, maputi man o morena
sexing katawan ng mga kababaihan

ang trip ng barkada
dapat kasali sa mga eksena
may beauty queen, may escort
may mga dancer, may mga nahilig sa play

di papahuli sa mga uso
di papa-awat sa mga gusto

dito sa eskwela, di uso ang problema
basta kasama mo buong barkada

lahat masaya, dinadaan lang sa tawa
ginagabayan ng mga pangalawang magulang
mga macho at sexy kong teachers
ung iba ay pumanaw na, karamihan ay buhay pa.

salamat sa inyo
mga kaibigan ko
salamat sa apat na taon
na nakasama ko kayo

salamat sa mga guro ko
sa mga aral na natutunan ko
namimiss ko na po kayo
salamat... salamat...
By:TuRon

ALBUM




ALBUM
malungkot at mag-isa
bigla kong naalala
isang bagay matagal ko nang di nakikita
isang bagay na puno ng alaala

may kalumaan na
cover ay kupas na
amoy amag man cia... ok lang
wala sa aking problema

sa aking pagbuklat
una kong nakita
mga larawan ng aking kabataan
ang aking pinagmulan

nakakatuwang makita
mga baduy kong porma
ngiping bungi-bungi
salawal na pili-pilipit

medyas na mahaba
minsa'y di pa pantay
one side na buhok
payat na katawan

ilang pahina pa
mga kaibigan ko naman ang aking nakita
mga kaibigan ko mula pa elementarya,
hanggang makarating ng sekondarya

mga larawan ng kamusmusan
ang sarap balikan
kaibigan magpakailan pa man
kaibigan na hindi sana ako nakalimutan

mga tropa kong di ako iniwan
umabot man sa bug-bugan
mga barkada kong walang iwanan
problema man o inuman

sa una'y nakakatuwa
kahit saglit lang
parang tayo'y muling nagkasama
nakakagaan ng loob kahit larawan lang

pero sa bandang huli
gumilid ang aking mga luha
di na kasi maibabalik ng panahon
ang mga bagay na dati nating ginagawa

may mga kanya-kanya na tayong buhay
busy sa trabaho, busy sa career
busy sa anak, busy sa pamilya
kayod marino, kahit buhok ko'y napapanot na.

by:TuRon










Sunday, August 12, 2012

LASSSHING


inuman kanina
ngayon pauwi na
entrada sa main gate
sabay takip ng bibig

kwentuhan habang nasa daan
kasama ng mga kainuman
isang madilim na daan
aming nilalakaran

tinawanan, mga nangyari kagabi
may tumumba, may di umubra
may nag dive, may sumuka
may nagtulak ng kubeta

sa gitna nag kwentuhan
at malupit na tawanan
may eksenang di inaasahan
tapos na ang inuman

bakit may nadapa nanaman?
nawala sa eksena
tuhod ang nauna
kumalabog sa kalsada

aray ko!... teka lang...
di ako lasing
bakit ganito
ang nagyari sa kin

nilulumot na kalsada
di ko agad napuna
palibhasay madilim
di na naiwasan pa

tawanan sila
pero di ko ininda
gasgas ang tuhod ko
buti nalang hindi mukha ko

isinumpa ko nanaman
si pareng Empi
ayoko na, tama na.
o malas lang talaga?

bY: tUrON

IBA NA AKO!



hindi na ako yung dati
ibahin mo na ako ngayon
di mo na ako kayang ibaon
dahil pinatibay na ako ng panahon

masalimuot man ang aking pinagdaanan
lahat yun ay aking nakayanan
hindi ako bumigay
kahit parang ako'y nananamlay

tinibayan ang dibdib ko
na harapin lahat ng takot ko
lagpasan kung ano ang sapat lang
linangin ang sarili

di ko sila tinalikuran
bagkos hinarap ko sila
nang buong tapang
nang walang alinlangan

wag mong isiping di mo kaya
wag mong iasa sa iba
wag kang makakalimot
mga pangarap na halos abot.

konting tiis pa
lahat ay may hangganan
lahat ay may katapusan
sa KANYA mo lahat ipaubaya.

By: TuRon

Wednesday, August 8, 2012

BATA KA PA



isang batang kay gwapo
mala anghel, kay amo
natutuwa akong makita ka
bata ka pa nga talaga

sa isang banda
natatakot ako
sa iyong paglaki
ano ba ang iyong plano

sa ngayon
kami ang pakinggan mo
ilang taon pa
barkada na ang kasama mo


sana'y naging masaya ka
bago mo lisanin
ang kabataan mong
ni minsa'y di ko naranasan

minsa'y puno ng karahasan
kaya nga siguro
lumaki akong matigas ang ulo
puso'y naging bato

mahirap ang pinagdaanan ko
di gaya mo
ang swerte swerte mo
kami ang magulang mo

di namin binalak pagalitan ka
nang walang dahilan
bagkus gusto lang namin
ikaw ay may matutunan

gusto ka lang namin gabayan
para sa paghakbang
iyong malaman
kami ay nanjan lang

gawin mong makabuluhan
ang iyong buhay
pag dumating ang panahon
na gipit ka na

hanapin mo lang kami
sasalubungin ka namin
nang may ngiti
nang may pag-asa

marami ka pang di alam
ang sikreto ay nasa amin lang
makinig ka lang
madami kang matutunan.

By TuRon

BAYBAYIN

madali nio akong mahahanap
kama ko ang dagat
aircon koy malamig na hangin
nilalakaran ko'y buhangin

magagandang tanawin
paa kong lumulubog sa buhangin
tunog ng dagat
ok na at sapat

malayo man sa kamaynilaan
walang gulo di gaya jan

tahimik, malamig
buhangin at hangin
kung papalarin
dito ko na rin gustong ilibing...



By: TURON